Gusto mo bang umasenso? Dapat alam mo ang unang
hakbang at 'yun ang PAG-IIPON NG PERA.
Sa panahon ngayon, marami ang naghihirap at nagpapakahirap dahil sa kawalan ng pera. Kaya naman natin itong wakasan sa pag-iipon lamang ng pera. Bilang isang estyudante, makatutulong tayo sa ating mga magulang sa mga gastusin lalong-lalo na sa ating mga kagamitan sa eskwela. Kung tayo man ay nagtratrabaho, ang pag-iipon ng pera ay nakatutulong lalong-lalo na sa pang araw-araw na gastusin. At sa mga meron na ng pamilya, ang pag-iipon ay talagang nakatutulong.
Pero naku, may problema! Paano kung mahirap maghulog ng pera sa alkansya araw-araw dahil wala nang natirang pera? Hindi naman na responsilidad maghulog ng pera araw-araw sa alkansiya. Kung meron kang sobrang baon o pera sa iyong bulsa ay 'wag nang magdalawang isip na ihulog sa alkansiya. Dapat marunong din tayo maggastos ng pera dahil ang pagiging gastador ay masama at mukhang wala kanang naitutulong sa iba.
May quote ni Paul Clitheroe:
" Personally, I tend to worry about what I save, not what I spend."
Dapat marunong tayo mabahala sa iyong ipon kaysa sa iyong ginagastos dahil sa panahon ngayon marami ang nangangailangan ng pera. Magsimula nang mag-ipon ng pera upang umasenso.
Huwag kalimutin na magpasalamat sa Diyos sa mga natanggap mong blessings!